Header Ads

This is HOW Super Tekla Cries for Justice for Her Sister Found Dead in Kuwait


Ang stand-up comedian na si Romeo Librada na kilala rin bilang 'Super Tekla' ay nanawagan para sa katarungan dahil sa diumano'y pagpapakamatay ng kanyang kapatid na nagtatrabaho sa Kuwait.
image

Ang balita ay nag-viral pagkatapos ipost ni Anthony Legaspi sa kanyang social media account ang tungkol sa trahedyang nangyari kay Marife Librada, kapatid na babae ng komedyanteng si Tekla.

Ayon sa ulat, ang OFW ay natagpuang patay sa kanyang silid at ang mga awtoridad ay nakikitang suicide ang sanhi ng kamatayan ng nasabing OFW. Kahit nababalita na ang pagkamatay at inilabas na ang mga larawan ni Marife, ang kanyang kapatid na si Super Tekla ay hindi naniniwala ang kanyang kapatid na babae ay may kakayahan na tapusin ang kanyang sariling buhay.

Ngunit pagkatapos ng pagkuha ng sapat na impormasyon mula sa kanyang mga kaibigan sa Kuwait, iba ang nadarama ni Super Tekla kaya siya ay umaapila para sa hustisya sa lalong madaling panahon. Bukod pa rito, batay sa impormasyon ng mga kaibigan ng biktima, naranasan ni Marife ang labis na depresyon na kahit na ang kanyang Facebook account ay puno ng mga malulunngkot na mensahe.

Nagulat ang kanyang mga kaibigan dahil nagawa ni Marife na tapusin ang kanyang sariling buhay bago sumapit ang bagong taon. Ang kalunos-lunos na trahedya ay nangyari sa bahay ng kanyang Amo sa Andalus, Kuwait City. Samantala, hinahanap din ng mga awtoridad ang anggulo na posibilidad na may foul play ding nangyari. Ang kanyang Amo ay hindi panaglalabas ng kanyang opisyal na pahayag tungkol sa kaso.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.